Binanatan at tila minaliit pa ni Cristy Fermin ang dating PBB housemate na si Dawn Chang matapos itong magbanta na kasuhan si Cristy Fermin dahil sa malisyosong komento nito laban sa actress.


Matatandaan na kamakailan lang ay nagviral ang pahayag ni Fermin na kung saan sinasabi niyang nakipaglandian raw si Chang sa kanyang mga boss kaya nakapagtrabaho sa ABSCBN.

Pumalag naman ang kampo ni Chang at nagbantang sampahan ng reklamo si Fermin kung hindi ito magpublick apology.

Ngunit sa post ni Solis sa Instagram ay tila minaliit nito si Chang. 

"Imagine mo na isang baguhan artista na hindi ko kilala ang buong tapang na humihingi ng apology kay Cristy, bongga!" hirit niya.
 

"Hindi ba alam ng mga baguhan na pasalamat sila at napapansin at isinulat sila, kaya dapat tignan nila ito in a very constructive way?" ayon pa kay Solis

"Kung magiging matalino sila, puwede nila makita at mabago iyon tingin sa kanila ng tao. Huwag agad nilang bigyan ng malisya, at bigyan ng masamang epekto ang nabasa nila. Wow ha, ganuon na ba ka sensitive eh kapapasok mo pa lang sa showbiz? Mas magandang ipakita mo ang pakikisama, at pang unawa sa mga nagaganap, kesa naman combative ka agad," paliwanag pa ng kolumnista.

Samantala, inihayag ni Lolit na ang abogadong si Ferdie Topacio ang nagboluntaryong maging legal adviser ni Cristy sakaling umarangkada ang asunto ni Dawn.

"Alam ko na kayang kaya ni Cristy Fermin harapin iyan, lalo pa at nasa tabi niya si Atty. Ferdie Topacio, saka sa ganitong panahon dapat natin ipakita sa mga baguhan na dapat maging team player sila, hindi iyon kapapasok pa lang, bumabangga na agad," sabi ni Lolit.


"Madali pag usapan iyan, ipaliwanag na hindi tutoo, alam namin as writers ang parameter ng tama o mali, alam namin tumanggap ng paliwanag. Madali lang, hindi na dapat meron agad legal na papasok," dagdag niya.

Iginiit din ni Lolit na hindi niya kilala si Dawn. 

"Baka pag natapos ang issue na ito makilala ko na kung sino iyon artista na humihingi ng apology kay Cristy...ano nga name?" aniya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post