Timbog ngayon ang riding in tandem na bumasag sa kotse ni Gerald Anderson at tumangay sa dalawa niyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit  na maalalang nakaparada sa harap ng kanyang Gym sa Quezon City nito lamang January 31.


Sa tweet post ng ABSCBN reporter na si Nikko Baua, ipinakita niya ang video kung saan buluntaryong sumuko ang isang suspek na si John Allen Dancel sa NBI.

Aminado ang nasabing suspek na siya ang ang bumasag sa sasakyan ng actor at kumuha sa gamit.

Ayon pa sa suspect, hindi raw nila target ang sasakyan ng actor, nalaman lang daw nila ito nang makita na nila ang wallet ni Gerald.


Natunton raw ng NBI ang tahanan ng suspect makaraang makilala ang motorsiklo na ginamit sa pagnanakaw.

Samantala nagpasalamat naman si Gerald dahil sa mabilis na aksyon ng NBI.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post