Nagreact na ang beteranang columnist na si Cristy Fermin sa pagpapakasal ng real life couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.


Nitong mga nakaraang araw, ay ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube account ang pagpapakasal nila ni Ion sa Las Vegas na naganap noong October 19, 2021.

Sa isang episode sa show ni Cristy na Cristy Ferminute ay nabanggit nila ang tungkol sa nasabing kasal ni Vice at Ion.

"Kaya naman pala kung ituring nila ang isa't isa ay talagang mag-asawa na 'no? 'Di ba? Ang ganda nu'ng sinabi ni Vice na ikaw ang kasama ko ngayon, kasama ko bukas at gusto kong makasama habambuhay. Ganu'n din si Ion, 'di ba?" ani Cristy Fermin 


Natutuwa naman rito si Cristy at kinogratulate niya ang dalawa.

“Nakakatuwa, congratulations, siyempre. 'Yan lang ang aming masasabi dahil pinatunayan niyo sa bawat isa na totoong-totoo ang inyong relasyon at kayo ay pinagbibigkis ng pagmamahalan, 'di ba? Congrats!” saad pa niya 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post