May matinding banat ang komedyanteng si Chad Kinis sa mga nangungutang na hindi nagbabayad na for sure marami ang tatamaan at marami rin ang makarelate.


“Nabiktima ka na ba ng ‘Pre, kumusta?’ ’Yung akala mo naalala ka lang nila? ’Yung iba nga sasabihin pa sa ’yo, ‘Uy, bro, tol, sis, mars.’ Biglang, ‘Baka naman?’” sabi ni Chad sa kanyang video post sa facebook 

Alam na alam na raw niya ang ganitong mga style “Mmmmm…Naku, naku, naku, naku, naku… Don’t me. Alam ko na ang modus na ’yan. Malamang, meron lang ’yan silang kailangan. Ilang buwang ’di nagpaparamdam tapos biglang mangungutang?” 

Dagdag pa niya “Kesyo kailangang-kailangan at ang daming dahilan. Ito naman ako, dahil kaibigan ko, dalang-dala ako sa sobrang awa. Awang-awa ako.  


Hirit pa ng komedyante “Siyempre, matagal ko nang kilala, e. Sobrang close nga kami. Pati ang bra’t panty n’ya ako na ang naglalaba. Naging sunud-sunuran pa nga ako na parang aso,” 

Ayon pa kay Chad, marami raw mga tao na nagsisinungaling para lang makautang.

“Ang daming nagsisinungaling para lang makautang. ’Yung iba nagpapaawa, kailangan daw ng pangpa-check up. Pero nu’ng nakuha ’yong pera, aba! Nag-check-in kasama ang dyowa,”  

Hirit pa niya: “Yung iba wala na daw maisaing. Tapos malalaman mo biglang nag-outing. Doon pala magsasaing sabay kain sa dahon ng saging. 

“’Yong iba lalapit sa ’yo, iyak nang iyak kasi ’tong negosyo daw nila bagsak na bagsak. E, pa’nong hindi babagsak, e, talpak ka nang talpak. Tapos lalapit ka sa akin para mangutang ng pamusta? Hinayupak!” saad pa ni Chad 

Ayon kay Chad, sana ay marunong daw magbayad ang mga nangungutang at hindi basta nalang talikuran ang kanilang responsibilad.


“Ang daming malalakas ang loob mangutang pero ’yong responsibilidad na magbayad kinakalimutan. Tapos kapag panahon ng singilan, aba! Sila pa itong galit-galitan?”  

“Tapos magpo-post ka sa social media ng mga luho? Baka gusto mo muna ako i-block kasi nakikita ko! Nakakahiya naman sa ’yo.  

“Kaya sa darating na bayaran ’wag naman kayong magtaguan. ’Wag kayong mawawala sa panahon ng singilan na para bang ipis sa basurahan, kapag inangat mo, nagtatakbuhan!” saad ng komedyante 

May payo rin si Chad sa mga mahilig mangutang.

“Payo lang sa mga nangungutang, huwag humiram ng hindi kayang bayaran. ’Wag sobrang gastos kung walang pang-tustos. At ’wag na ’wag uutang kung hindi dadalhin sa kapaki-pakinabang,” pahayag ni Chad.  

“Huwag din magsinungaling para lang kaawaan. Baka pag dating nang totoong kahirapan hindi na namin kayo matulungan.  


“At mahalangang paalala para sa mga nangungutang. Inyo rin naman kaming bayaran. Kasi ying aming pinahiram na pera amin ding pinaghirapan,” sabi pa ni Chad 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post