Nagsalita narin sa wakas ang vlogger na si Virgelyn kaugnay sa patutsada ni Mura laban sa kanya.


Maalala na si Virgelyn ang tumulong kung bakit napadalhan si Mura ng maraming tulong.

Sinabi kasi ni Mura sa isang live video na natural lang daw na tulungan siya ni Virgelyn dahil isa itong vlogger.

At kung natulungan raw siya ni Virgelyn, natulungan rin daw niya ang nasabing vlogger dahil naparami raw nito ang kanyang views at subscribers.

"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon," sabi ni Mura 


Matapos itong mapanood ni Virgelyn ay agad siyang naglabas ng kanyang saloobin.

"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob.

"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun.

"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin.

Ayon kay Virgelyn, bago pa niya na-vlog si Mura ay marami narin siyang napa-viral.


"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung nanay na gumagapang sa tubuhan... marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun" 

"Bawas-bawasan natin Mura 'yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao." 

"Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan" 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post