Usap-usapan ngayon sa social media ang video kung saan humingi ng tawad si Mura sa vlogger na si Virgelyn  dahil sa kanyang mga nasabi niya sa kanyang live video.

"Mama Virgelyn, alam ko pong hindi kayo masyadong nasaktan sa aking mga sinabi, pero yung mga supporters niyo po may reaksyon po don, so pasensya na po" sabi ni Mura sa kanyang video 

Ayon kay Mura, hindi raw niya alam na nakakasakit na pala ang nabitawan niyang mga salita dahil joker raw siya.

Gayunpaman hiling ni Mura na sana ay magkita at magka-usap silang muli. Nagpasalamat din si Mura sa tulong na ibinigay ni Virgelyn sa kanya.


"Na-miss ko na rin po kayo mama Virgelyn. Thank you sa tulong niyo sa akin dun sa aming lugar. Kahit napakalayo ng aming lugar, sinuyod niyo ang aking tahanan para iyon nga, matulungan niyo rin po ako." 

"Maraming salamat at sorry... Sorry at nakapagsabi po ako ng ganun dahil sa aking saloobin. Sana maintindihan niyo po. Pasensya na po mga ka-legit, mga ka-Virgelyncare" 

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post