Usap-usapan ngayon sa social media ang dating komedyante na si Mura Padua dahil sa mga patutsada niya kay Virgelyncares, isang vlogger na maalalang tumulong sa kanya.


Marami ring netizens ang tila nagulat sa mga pahayag ni Mura dahil si Virgelyn ang naging daan para dagsain siya ng tulong.

Ayon kay Mura, malaki rin daw ang naitulong niya kay Virgelyn dahil nagkaroon daw ito ng maraming viewers at subscribers.

"Natural naman 'yun na magbigay siya. Vlogger siya e. Papaano nga naman lalaki 'yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung 'di siya pumunta sa amin? 'Di ba, dun siya kumita ng sobra-sobra" 


"'Yung binigay niya sa'kin tulong niya yun at tulong ko na rin sa kanya dahil naging mataas na rin yung subscribers niya" 

"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit," 

"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post