Tapat na inamin ni Kris Aquino na hindi maayos ngayon ang kanyang kalusugan dahil sa dahil sa auto-immune disease na dinaranas niya ngayon.


Ayon pa kay Kris sa kanyang instagram post, nauubusan na raw siya ng ugat para sa IV line.

"Naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile and weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng eight attempts to get the line successfully in," aniya.

Peru ayon kay Kris, hindi raw siya susuko.

"Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart…especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko," aniya.

Basahin dito ang buong post ni Kris:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post