Isiniwalat ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin na 5Milyon ang utang ng misis ng sikat na basketball player na si Terrence Romeo kay Ogie Diaz.


Sa kanyang Cristy Per Minute show, ay nagpag-usapan nila ng kanyang co-host na si Rommel ang tungkol sa pagka-aresto ng umanoy misis ni Terrence na si Pia.

Nabanggit nila sa nasabing show ang utang nito kay Ogie Diaz at ang tungkol sa isyu nito sa carnapping.

"Naku, si Ogie Diaz, Nanay, talagang paano na ngayon ang jutang sa kanya na itong si Pia. Paano na? Eto na, nakulong na," sabi ni Romel.

“Du'n sa pinakahuling pagkakataon na nahuli at nakulong itong asawa ni Terrence Romeo, iba-ibang pangalan pala ginagamit niya 'no? Using of fictitious names. Tapos 'yung carnapping, matagal na pala ito," pahayag ni Cristy Fermin 


Ayon pa kay Cristy, nabuwisit na raw si Ogie dahil sa utang ni Pia.

"Kay Ogie Diaz, limang milyon, ilang taon na 'yon. Napakatagal. Si Ogie, nabuwisit na si Ogie, ayaw na siyang kausapin. Ipinasa sa akin 'yung paniningil kay Pia, dahil alam niya nakakausap ko rin saka ni Manay Lolit, 'di ba?" 

Panoorin dito ang kanilang diskusyon sa tatak na 20:30 ng video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post