Nagbigay na ng kanyang prankang opinyon ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa rumor na umanoy buntis si Sarah Geronimo.


Nito kasing nakaraan ay maraming netizens ang tila naku-curious sa larawan na ipinost ni Matteo sa kanyang instagram. Maraming netizens ang napatanong sa nasabing larawan kung buntis na ba raw ang singer.

Sa showbiz update vlog ni Ogie ay napag-usapan nila ang nasabing rumor.

"Izoom nga natin nanay oh, para ngang may baby bump tsaka parang lumaki yung balakang ni Sarah." Sabi ni Mama Loi habang tinitingnan ang larawan nina Sarah

“Hindi, baka mahangin lang…” sabi naman ni Ogie


Sabi pa ni Ogie: “Aba kung buntis naman si Sarah hindi naman tayo masho-shock diba, may asawa naman yung tao. Tsaka parang lumaki yung balakang nga niya ‘no. Tsaka yung braso nga niya lumaki… Feeling ko parang nahanginan lang…” 

Peru tila iba talaga ang tingin ni Mama Loi sa larawan ni Sarah.

"ha? Nahanginan lang yung pwet? Diba? Oh para talagang may baby bump…”

Oh ehdi kung buntis si Sarah Geronimo, congratulations!” sabi naman ni Ogie


Sabi pa ni Ogie: “Hintayin muna natin, baka ine-enjoy nila ang isa’t isa muna. May mga ganun eh pagkabagong kasal… di naman natin alam…Matteo at Sarah, saamin ha, gusto na namin makabuo na kayo. Pero kung para sainyo ay hindi pa panahon, ienjoy niyo muna ang isa’t isa okay…” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post