Nagreact na ang kapatid ni Chie Filomeno na si Rio Filomeno sa viral na "walang maiambag" comment ni Madam Inut kay Chie.

Sa naganap na nominasyon nito lamang linggo ay binigyan ni Madam Inutz si Chie ng 2 points dahil wala raw itong maiambag kundi pagpapaganda lang.

"Binibigyan ko ng two points si Chie. Ready na siya. Ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda" sabi ni Madam Inutz 

Kaya naman sa kanyang facebook post ay naglabas ng kanyang saloobin si Rio sa nasabing komento ni Madam Inutz kay Chie.

Ibinahagi ni Rio ang viral video ni Madam Inutz sabay caption ng: "pretty hurts nga naman oh" 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post