Usap-usapan ngayon sa social media ang mga premyadong artista na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Ito ay matapos magviral ang ilang larawan nilang dalawa na tila sweet sa isat-isa.

Sa social media post ni Cherry Pie ay ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan magkasama sila ni Edu at ilang kaibigan nilang artista na namasyal sa isang lugar.

Ilang netizens ang nagreact at sinabing mas kinilig pa raw sila kina Edu at Cherry Pie kaysa ibang batang loveteams.

Sina Cherry Pie at Edu ay mapapanood gabi-gabi sa romcom series ng ABSCBN na Marry Me Marry You.

Narito ang post ni Cherry Pie. Swipe left to see all photos.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post