Buong tapang na inamin ng Ex-PBB Housemate at Its Showtime host na si Ryan Bang na nahiya at nagalit raw siya sa kanyang nanay noon nang malamang isa itong dishwasher.

Kwento ni Ryan sa vlog ni Ogie Diaz na natuklasan raw niya na tagahugas ng plato ang kanyang nanay at ang masaklap pa ay sa restaurant ng kanyang kakaklase.

"Naalala ko elementary ako, bago bukas na restaurant, punta kami. Nakita ko mommy ko naghuhugas ng pinggan.

"Hindi ko binati, umuwi na 'ko, nahihiya ako.

 "Napahiya talaga ako... nahihiya ako noong panahon na 'yon kaya napakasama kong tao," pag-amin ni Ryan. 

"Mommy, bakit sa lahat ng restaurant sa kaibigan ko pa?

 "Kaya nung umuwi siya nagagalit ako, bata kasi ako (noon) 'di pa ako matured,"sabi ni Ryan 

Ngayon naman ay todo-todo na ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Ryan sa kanyang ina. Sa katunayan ay nabigyan na rin niya ito ng sarili condo unit. 

Panoorin dito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post