Naglabas ng hinaing ang actor na si Albie Casino dahil sa inasal umano ni Alexa Ilacad sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa November 2 episode ng PBB, kinausap niya ang kapwa niya PBB housemate na si Eian Rances para ilabas ang pagkadismaya kay Alexa matapos nitong piliin ang peanut butter kaysa food items.

Nagreklamo rin ang actor sa umanoy inasal ni Alexa sa loob ng bahay.

"Medyo ayoko kung paano siya umasta dito sa bahay. Hindi niya bahay 'to. Kailangan niyang alalahanin 'yan. Ano, porke’t matagal na siya sa industriya, ganiyan na siya umasta? Matagal na rin naman ako sa industriya, hindi naman ako ganiyan umasta,” sabi ni Albie kay Eian 

Ikuwento rin ni Albie ang isang eksena kung saan na-offend siya kay Alexa.

"May isa pang beses na may [pinapakulo]  siya sa umaga... 'Yung parang ginger, whatever. Nakatayo lang ako doon tapos ginanon niya ako, pinatabi niya ako, 'Mine!'" kwento ni Albie kay Eian  

"Dude, ayoko siya kung paano siya umasta dito. Saka hassle pa kasi siya pa 'yung pinaka kilala ko dito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya. Tapos siya pa 'yung pinaka irita ako sa lahat." dagdag pa ng actor 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post