Hindi mapigilang maging emosyonal ni Nikko Natividad sa kanya mismong kasal habang inalala niya kung paano siya pinatawad ng kanyang partner na si Cielo Eusebio.

Sa kanyang wedding vow, ibinahagi ni Nikko kung paano kabilis nabuo ang kanilang pamilya.

"Magkainuman. Nagkatikiman. Hanggang sa nauwi sa katotohanan. Ang sarap isipin na naging close muna tayo bago naging tayo. Pero sobrang bilis ng mga pangyayari, six months palang tayo, dumating agad si Aiden," kwento ni Nikko

At dito na tumulo ang luha ni Nikko nang inalala niya kung paano siya pinatawad ni Cielo sa pagkakamali na nagawa niya dati.

“Mahal, maraming salamat. Salamat dumating ka sa buhay ko. Salamat napatawad mo ako. Salamat dahil mahal na mahal mo ako at walang araw na hindi ko naramdaman 'yun. Inaamin ko, pareho pa tayong hindi pa handa, kaya siguro hindi ko rin na-handle nang maayos 'yung mga problemang dumating,”sabi ng actor 

“Dumating ako sa punto ng buhay ko na sobrang sama ko, pero hindi mo ako binitawan. At ang hinding hindi ko makakalimutan, 'yung araw na sinabi mo sa akin na naniniwala kang magbabago ako"dagdag pa niya 

Nagsorry rin si Nikko sa kanyang asawa dahil natagalan ang kanilang kasal. 8 years naring naging magkasintahan ang dalawa.

“Salamat din mahal kasi mas nilapit mo ako kay Lord, na Siyang sentro ng buhay natin. Napakasarap magmahal sobra, napakasarap. Sorry din mahal kung ngayon lang ako naging ready magpakasal. I'm sorry. Pangako ko sa 'yo na mamahalin kita nang sobra sobra. Aalagaan at hindi na muling sasaktan pa. Kayo ni Aiden at ang magiging mga anak pa natin,”sabi ni Nikko 

Pwede mong panoorin ang buong video dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post