Maraming netizens ang kinilig matapos bisitahin ni Darren Espanto si Cassy Legaspi sa kanilang bahay nitong halloween.

Sa kanyang pagbisita, ay suot ni Darren ang Halloween costume niya bilang Officer Hwang Jun-Ho ng sikat na Korean seriesries na Squid Game.

Makikita sa post ni Darren na sumayaw sila ni Cassy ng "She Knows".

Aminado si Cassy na nasa kanyang bahay si Darren, sa katunayan ay biniro pa niya si Darren na magbayad matapos raw siyang gawin nitong photographer.

Peru humirit naman si Darren at sinabi nitong quits lang sila.

"Yung naging videographer at art dep pa ako pero wala namang binabayad [rolling eyes emoji] Ang hirap pa kunan nung subject kasi sayaw ng sayaw ng 'Lalisa'" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post