Sinagot na ng actress na si Sunshine Cruz ang mga nambabash sa kanyang matapos niyang tanggapin ang isang project sa GMA 7.

Nito lamang October 21, ay prinomote ni Sunshine ang kanyang proyekto sa GMA 7 na kung saan bibida siya sa isang Wish Ko Lang episode.

Kapansin-pansin na maraming nagbigay ng komento sa kanyang post.

Merong masaya, peru meron ding hindi.

Kaya naman nilinaw na ni Sunshine kung bakit niya tinanggap ang nasabing proyekto.

Sabi niya: "Hello everyone! Magandang gabi po!☺️

Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon. 

I am grateful to both networks for always giving me the opportunity to work for them. Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya ❤️💚💙 and Kapuso ❤️🥰

Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa Niña Niño. Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit maka trabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa Wildflower. ☺️

Isa akong “freelance artist o freelancer” and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin. 

I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya. 🙏🏻❤️"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post