Bumwelta na ang beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa viral "ang tatanda nyo na" post ni Kylie.

Sa kanyang Cristy Ferminute show ay diretsahang sinagot ito ni Fermin.

Sabi ni Fermin: "Okay, ang sabi mo pa matatanda na kami. Isang araw Kylie, tatanda ka rin. Pero alam mo, napakasarap tumanda na merong pinagkatandaan. 

"Lagi mong tatandaan yan, masarap tumanda na merong pinagkatandaan. Huwag kang nagagalit sa mga taong sa palagay mo ay kumakampi sa kabilang panig. Magbuklat ka ng mga diyaryo. Tingnan mo mula nung mag-artista ka. Mas marami akong nasulat na maganda sayo. 

"Pero minsan man ba, nagpaabot ka sa akin ng pasasalamat? At ang tatay mo, si Robin Padilla nagsasabi sa akin, 'Nay, salamat sa pagsuporta mo sa mga anak ko.' 

"Alam mo sa totoo lang, hindi ko lang masabi kay Robin, pero ito sasabihin ko sa unang pagkakataon, ikaw ay sinusulat ko, ikaw ay pinupuri ko dahil napapanoon ka ni... dahil sa tatay mo, hindi dahil sa iyo.

"Kasi hindi naman tayo magkakilala eh. Si Robin na ama mo na hinahangaan ko ang prinsipyo at pagkatao, ang dahilan kung bakit kita sinusulat. 

"Sana matuto ka muna magbilang ng magaganda kaysa mga hindi kagandahan na inirereklamo mo. 

"At yung salitang ang tatanda nyo na. Matatanda na kayo. Ineng isang araw, manalamin ka. Yang mukha mo, kukulubot. Ang katawan mo ay magbabago ng postura. Lahat na mga bagay na materyal lamang, lalo na ang kagandahan, mawawala yan. Lumilipas yan. Pero yung paninindigan, mawala ka man sa mundo, sasabihin, yang taong yan, may word of honor yan. may isang salita yan. may paninindigan yan. Kinalaban yan ng buong mundo wala siyang pakialam dahil ang kanyang paninindigan ang pinaglaban niya." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post