Pinuri ni Cristy Fermin ang magandang pagpalaki nina Jeric Raval at Alyssa Alvarez sa dalaga nilang anak na si AJ Raval.

Ito ay matapos magsorry si AJ kay Kylie matapos niyang i-share sa kanyang facebook ang "breaking silence" statement ni Aljur Abrenica.

"Hanga ako sa batang ito, hangang-hanga ako sa kanya. Bukod sa maganda na siya, maganda 'yung disiplina, pagpapalaki sa kanya ni Jeric at saka ni Alyssa. Para sa isang tao ay mapagkumbaba, nadikit na halos ang mukha sa lupa, paghihingi ng paumanhin hindi lang kay Kylie, kundi sa publiko at sa lahat ng mga nasaktan sa pagpo-post niya." sabi ni Cristy Fermin sa kanyang show na "Cristy Ferminute".

"Ang ganda-ganda ng kanyang paliwanag. Bakal man ang puso mo, pagka ganito ang paliwanag ng isang bata pa, bagets pa 'to e, talagang lalambot ang puso mo"dagdag pa ni Fermin 

Ayon pa sa kay Fermin: "Yung pagpapakumbaba ni AJ Raval, ano 'to e, senyal ito ng magandang pagpapalaki ng magulang, 'di ba? Hindi po ang dali-daling humarap sa mikropono, humarap sa camera at magsabi na, 'Patawarin niyo na po ako, nadala lang po ako ng emosyon ko.'"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post