Ipinangako ni Richard Gomez na tutulungan niyang na makabalik sa ere ang ABSCBN kung sakaling palarin siya na manalo sa kongreso.

"If the good Lord will bless me with the chance of winning in Congress, I’d like to work on bringing back ABS-CBN," ayon kay Gomez Sa panayam sa kanya ni Kat Domingo ng ABS-CBN News.

Ayon kay Gomez, matagal na panahon rin daw siyang nagtatrabaho sa ABSCBN.

“I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years,” 

Inihayag din ni Gomez ang tulong na ginawa ng ABSCBN sa kanyang career sa showbiz. Aniya hindi siya ngayon makilalang Richard Gomez kung wala ang ABSCBN.

“I am not Richard Gomez now without ABS-CBN,” 

Si Gomez, na kilala rin bilang "Goma", ay nagtrabaho sa ABS-CBN mula 1987 hanggang 1998 sa iconic sitcom na Palibhasa Lalake. Nakasama rin s'ya sa ASAP mula 1998 hanggang 2002 at mula 2011 hanggang 2016. Nagtrabaho rin s'ya sa ilang teleserye gaya ng Walang Hanggan, 100 Days to Heaven at My Binondo Girl.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post