Isang madamdaming mensahe ang ibinigay ni Lotlot de Leon sa kanyang anak na nagcelebrate ng kanyang nag nagcelebrate ng ika-32nd birthday.

Sabi niya: 

"Namamangha ako sayo anak..ang sipag mo!  Talaga naman na kitang kita ko how hard working you are and push kung push matupad lang unti unti ang mga pangarap mo… 

Hindi din ako magsasawa na ulit ulitin kung gaano ako ka proud sayo..🙌🏻 

 Pero alam mo anak isa lang at bukod tangi ang wish ko para sayo ngayon at yun ay maging happy ka at healthy ka lage…  

Kase at the end of the day pag nagawa mo na lahat ng gusto mo ang importante pa din ay Okay ka…😁 

 Kase alam mo ba anak na lahat ng nararamdaman mo eh nararamdaman ko.. 

Kesyo masaya, naiinis, nalulungkot, nahihirapan, natatakot, kinakabahan, o anuman yun eh doble kong nararamdaman…parang magic!  

Hehe 💫 

 Eh Ikaw kaya ang kaunaunahan na nag turo sa akin kung ano din ang ibig sabihin ng unconditional love..naging x 3 pa nung dumating mga kapatid mo..  

Grabe kayo! 🤣 

 Kaya I get you always… 😉👍🏻 

 At anak huwag din makakalimot mag dasal at mag pasalamat kay papa god sa lahat ng gabay at blessings na binibigay nya sayo ha..🙏♥️ 

 So yun.. yun lang naman.. 

I love you happy birthday anak! 🎈🎉🤍 @janinegutierrez  

 ahhh wait wait… 

P.S. Kaya ko pala pinili itong picture na ito eh bukod sa napaka simple at maganda eh mag kamukha tayo dito!  

Hahhaha okay!?! Okay! 🤣🤣🤣  

love you!  

 Mama ♥️"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post