Di mapigilang magreact ni TV Patrol anchor Bernadette Sembrano sa pag-alis ni Kuya Kim Atienza sa ABSCBN.

Tila nalulungkot si Bernadette sa pag-alis ng itinuturing niya Kuya sa trabaho na si Kuya Kim.

Kaya naman sa kanyang post ibinahagi ni Bernadette kung gaano kasarap maging kapamilya.

“Will miss Kuya Kim, and we sincerely wish him well! But this is also an appreciation post on why Kapamilya is Kapamilya. ❤️💚💙"

“Sa pamilya, kapag umalis si tatay, si ate, ang mga kuya, hindi naman nawawala ang pagiging pamilya. May nalulungkot, may nahihirapan, may mangungulila, may sasalo sa naiwang responsibilidad; pero bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang kapamilyang umaalis. 

“This is why I am a proud Kapamilya. Kasi, ganito ang pamilyang Pilipino. Kapamilya pa rin ang 11,000 na napilitang umalis. Kapamilya pa rin ang mga pinipiling umalis. Pamilya pa rin. Always. And salamat po sa inyo, Kapamilya. I know kahit mahirap mapanood ngayon, I know our Kapamilya viewers will remain. And we will continue to do our best for you. Salamat po!

“Love you, Kuya Kim! WE LOVE YOU KAPAMILYA!”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post