Nagsisimula na ang taping ng kauna-unahang teleserye na pagbibidahan ni Gigi de Lana na "Hello Heart" na kung saan makakatambal niya ang beteranong actor na si Gerald Anderson.

Sa isang panayam, inamin ni Gigi na kinabahan siya ng malaman niyang si Gerald ang ang kanyang makakatambal.

"Nung narinig ko yung offer na magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko e. Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit di ko pa siya nakikita," sabi ni Gigi 

“Kinabahan ako. Paano kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na.”dagdag pa ng bagohang actress

Samantala nagbigay rin ng payo si Gerald Anderson sa kaniyang bagong leading lady.

"Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito... Stamina physically and mentally. Ako ang coach mo." 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post