Ibinunyag ni LJ Reyes sa isang one on one interview kay Boy Abunda sa "The Boy Abunda Talk Channel" na nakipag-ugnayan raw sa kanya ang ex niyang si Paolo Avelino nang pumunta sila sa New York kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

Si Paolo Avelino ay ama ng 11, year old na anak ni LJ na si Aki, samantalang si Summer naman ay anak niya kay Paolo Contis.

"We're not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he's been there for Aki naman.

"He's been in touch, especially... siya yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message. 

"Nagsabi lang siya na, parang, 'I know you're going through a very difficult time.' 

"At siyempre, ang iniisip niya rin is si Aki, and if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him," kuwento ni LJ tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Paulo. 

Samantala ng tanungin naman si LJ kung nakausap ba raw niya ang isa pa niyang ex na si Paolo Contis ay sinabi ni LJ na : "No efforts".

Pwede mong panoorin ang buong interview dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post