Magiging bahagi na raw ng Ang Probinsyano si Megastar Sharon Cuneta.

Ayon sa artikulo ng Bandera na isinulat ng kulumnistang si Jun Lalin pinaghandaan na raw ng pamunuan ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang nalalapit na pagpasok ni Megastar sa Ang Probinsyano.

Ayon pa sa source ni Jun Lalin, magkakaroon raw ng mediacon tungkol sa pag-anunsyo ng pagpasok ni Mega.

“Magkakaroon ng media conference para i-announce ang tungkol doon. Yes, tuloy si Mega sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Ang alam ko, November 9 ang announcement,”ayon sa source ni Lalin

Ayon pa raw sa kanyang source, ay Nobyembre narin magsisimula ang pagpasok ni Sharon sa nasabing kapamilya series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Excited narin ba kayo? Ano masasabi mo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post