Labis raw nalulungkot si K dahil mahigit kumulang 7 milyon na ang kanyang naibigay.
"Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap."sabi ni K
Kwento ni K, ilang beses na raw siyang humihingi ng tulong peru wala paring nangyari.
"Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress..
"masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko..
"Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.
"Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day. 🙏💪🏼"