Nagbigay ng kanyang prankang saloobin ang actress na si Angel Locsin kaugnay sa nagviral na video ni Harry Roque na kung saan sinermonan nito ang mga doktor.

Ayon kay Angel, bakit kailangan raw sermonan ang mga doktor kung ipinapatawag ito para magbigay ng kanilang opinyon.

"Naiintindihan ko yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermonan yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?"

Napatanong tuloy si Angel kung si Roque naba ang ang employer ng mga medical workers.

"Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba si DOH o employer ng mga medical workers?"

 Ayon pa kay Angel dapat ibinagay narin daw ang mga benefits sa mga health workers na hindi pa nabayaran.

"Ang employee may karapatan sa benefits. Ibigay kaya muna yung benefits na hindi pa nababayaran"



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post