Inalala ni Kristine Hermosa ang araw na nagpropose sa kanya ang kanyang asawa na si Oyo Boy Sotto kasabay ng kanyang kaarawan.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni Kristine ang larawan nila ni Oyo kasama ang lima niyang mga anak.

Sabi niya: "12 years ago... same day today... noong naglakas-loob kang mag-propose at naglakas-loob akong um-oo sa'yo. I thank the Lord for guiding us through — 38 years grateful."

Samantala may sweet rin na mensahe si Oyo para kay Kristine.

Sabi niya: "Sa aming ilaw ng tahanan, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at pag mamahal mo sa amin. 

" Sana naipaparamdam namin sayo ng ating mga anak kung gaano kami nagpapasalamat at kung gaano ka namin kamahal. Nag papasalamat din kami dahil napakabuti ng Diyos sa buhay mo at nating lahat. 

"Mahal na mahal ka namin @khsotto ❤️❤️❤️ Maligayang Kaarawan! Mahal kita😘"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post