Matapos magviral ang larawan ng actress na si Nadine Lustre na bumibili ng lechon sauce sa isang tindahan sa Siargao ay nagreact dito ang actress.

Maalala na ipinost ang nasabing larawan sa social media ng isang netizen na si Arah Mae Conte.

Ayon kay Conte, namangha raw siya sa natural na ganda ni Nadine kaya kinuhanan niya ito ng larawan.

“Nung pag-picture ko po tumingin lang sa’kin tapos balik po agad sa tinda po namin kasi sinuklian na siya. Sana lang po ’wag magalit si Nadine po, na-shock lang po talaga ako,” sabi niya sa interview ng Philstar 

Sa kanyang twitter, inilabas ni Nadine ang kanyang reaksyon. Sabi niya: "para di na kayo magisip...lechon manok yung ulam."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post