Arestado ang isang snatcher na nanghablot sa mamahaling cellphone ng actress na si Alex Gonzaga sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City. 

Kwento ni Alex, yung assistant raw niya ang may hawak sa kanyang cellphone para sana kunan ng larawan ang isang billboard sa EDSA nang hablutin ito ng mga suspek nitong Miyerkoles nang Hapon.

Ayon kay Alex sa kanyang facebook post:

"Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.

Police Captain Edison Mabaet

PStaff Seargent Jeffrey Paloma

PCorporal Nick Cariaga

Patrolman Bernamy Herrera

Patrolman Jacinto Longcop

Patrolman Karl Villagracia

Patrolman Marlon Gatchalian

Patrolman Ruben Flores

Kuya Jimmy Quibada

Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers.

And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila! ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚

Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin ๐Ÿ™๐Ÿผ

Ps: Si sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya nung may pinapicture ako sa kanya biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak nya. Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong๐Ÿ™๐Ÿผ"

Ayon kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet, pinalaya rin daw agad ang suspek dahil hindi na nagsampa ng reklamo ang aktres matapos na marekober ang kaniyang cellphone.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post