Tila may bahid na pag-alala ang actress na si Kim Chiu sa kasalukuyang nangyari ngayon sa sikat na bahay ng Pinoy Big Brother.

Sa Instagram post ni Kim, ibinahagi nito ang larawan sa nasabing na bahay na kung saan may takip na ang harapan nito at may nakasulat na number 10.

"Okay WAIT!!!!!😱 alam ko sabi ko bawal lumabas, pero bakit parang bawal na rin pumasok sa bahay mo Kuya??? 😡😡 tinakpan tapos ngayon may #10 ???"

Hiling rin ni Kim na saba ay maayos na ang Bahay ni Kuya na kung saan siya ay nakilala.

"Dati tinanong mo ko kung may nahanap na ba akong friends, mga Peng You sa loob ng bahay mo πŸ™ˆπŸ™ˆ and super thankful ako kasi more than that pa yung binigay mo sakin, nakahanap ako ng family πŸ’– kaya I hope everything’s okay Kuya! 🏠πŸ₯ΊπŸ˜£πŸ™πŸ»"

Binalikan rin ni Kim ang mga hindi niya alam noong siya ay nasa loob pa ng Bahay ni Kuya.

"Here are 10 things na diko alam nung pumasok ako sa bahay mo.

1.diko alam ang oras.

2.diko alam ang balita sa labas.

3.diko alam kung ano ang sinasabi ng mga tao sakin.

4.diko alam kung sino ang mga makakasama ko sa loob.

5.diko alam ang mga haharapin kong pagsubok na ibibigay mo.

6.diko alam kung kakayanin ko sa loob.

7.diko alam kung hangang saan ang kakayanan at tapang ko.

8.diko alam kung kamusta na ang pamilya ko sa labas.

9.diko alam kung magtatagal ba ako sa loob ng bahay mo.

10.diko alam kung ano ang haharapin ko pag labas ko ng bahay mo." 

Peru sa huli ay nagpapasalamat si Kim sa tiwala na ibinigay sa kanya.

"Pero ngayon masaya ako na binigay ko ang tiwala ko sa bahay na ito at kay KUYA na naging daan sa kung saan man ako ngayon.🏠❤️πŸ’™πŸ’›πŸ’š MARAMING SALAMAT KUYA! Mahal na mahal kita!#ForeverGrateful @pbbabscbntv"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post