Nagreact na ang actress na si Yassi Pressman sa pagpasok ni Julia Montes sa Ang Probinsyano.

Maalala na si Yassi ang gumanap bilang leading lady ni Coco Martin ng halos limang taon sa Ang Probinsyano.

Ayon kay Yassi sa virtual media conference na naganap nitong Lunes ng hapon, August 23, masaya raw siya at excited sa pagpasok ni Julia sa nasabing teleserye.

Sabi ni Yassi:  "I am so excited. Nung nakita ko, sabi ko, this is definitely a great move.

"Kasi po, sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes. 

"Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don't know what she did, but I'm sure it was great for her. 

"And for her to be coming back sa Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat. 

"I just wish them the best kasi alam ko po na kahit anong gawin ng Ang Probinsyano family, it will always going to be hard, pinag-isipan na mabuti at laging exciting." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post