Nakatanggap na ng death threats ang actor na si Janus del Prado matapos mula sa isang fan dahil sa kanyang mga post.

Ayon kay Janus, inatake na raw siya ng mga paid trolls ng mga personalidad na hindi niya pinangalanan at may initials na G&J".

Ayon pa kay Janus, pagsabihan raw ng mga fan na ito ang kanilang mga master na wag pagtakpan ang milagrong ginawa nila ng may initials na "P" sa set ng movie na "MPY".

Samantala sa hiwalay niyang post, ibinahagi ni Janus ang natanggap niyang death threats mula sa isang fan na kanyang pinaparinggan.

Sabi ni Janus: "May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans.🤷😆✌️ Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan. 😆"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post