Viral ngayon sa social media ang post ni Ogie Diaz matapos nitong ibahagi ang kanyang naranasan nang magpabakuna laban sa Covid-19.

Sabi ni Ogie: "Nakapag-first dose na ako ng bakuna. Balik ko after 28 days. Sabi nila, kung ano ang available, yun ang i-grab, kaya hindi na ako choosy.

"Sabi nila, me mga reactions daw after mabakunahan, kaya yung proseso pagkatapos ng bakuna, yung nurse. pinag-rest ako for 15 minutes, dahil baka mahilo daw ako o sikmurain ako, o sumakit ang ulo ko o kung anuman ang maging epekto sa akin ng sinovac, at least andun pa ako."

Ang nakakatuwa dito ay yung tinanong siya ng nurse kung kumusta ang kanyang reaksyon.

Kwento ni Ogie: "Sabi ng nurse, “Kumusta po ang pakiramdam nyo, sir?”

-“Ba’t po gano’n?”

“Ay, baket po?”

-“Tinigasan ako?”😂

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post