Inulan ng pambabash ang anak ni Jodi Sta Maria na si Thirdy Lacson matapos itong akusahan na nangcheat sa kanyang Ex-girlfriend na si Vionna Serrano.

Kamakailan lang ay isiniwalat ni Viona ang  diumanoy pangcheat ni Thirdy sa kanya pamamagitan ng pagbahagi ng screenshot ng convo nina Thirdy at ng kaibigan nito.

Sa youtube channel ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi ay pinag-usapan nila ang nasabing isyu.

Sabi ni Ogie:

"Ang parang pinatutungkulan dito ay si Pampi Lacson, kinokowt niya si Pampi, so hindi ko alam kung totoo ba ito Pampi? Friend natin ‘yan si Pampi. Totoo ba ito na ikaw ay binubuyo mo pa ‘yung anak mo na bibigyan mo siya ng babae?”

“Siyempre, hinihintay naman nila kung ano ang magiging kasagutan ni Jodi. Feeling ko nga baka hindi ito patulan ni Jodi katulad ng hindi niya pagpatol noon sa isyu ni Claudine (Barretto).”

“Ang pagiging nanay na ang kinukuwestiyon dito ‘kung tama ang pagpapalaki ko kay Thirdy.’ Iyon na ang kuwestiyon kay Jodi ngayon. Tapos bilang magulang din hindi naman para kuwestiyunin ko si Jodi ‘no?”

“Sa TikTok kasi nadudukot ‘yung mga videos ni Thirdy. Sa mga hindi nagti-TikTok, sa mga nanonood lang paandaran kasi ‘yan, most creative. Malay n’yo sa TikTok lang ganu’n si Thirdy hindi sa totoong buhay.”

“Yung ganu’n conversation kasi hindi dapat nilalabas, bakit lumabas?”

“Hindi sa ipinagtatanggol ko si Thirdy ‘no? Hintayin natin si Jodi kung paano niya isusuheto o kung paano niya pangangaralan ang kanyang anak dahil sa ganda naman ng outlook sa buhay ni Jodi, I’m sure i-extend niya iyon sa kanyang anak.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post