Ibinunyag ng Entertainment News Writer na si Lolit Solis ang tungkol sa sinabi umano ni Ivana Alawi kay Derek Ramsay at Gerald Anderson.

Aniya, ayaw raw ng actress sa kanila dahil mukhang dugyot at mabaho raw ang mga ito.

"Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, Salve. Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal."sabi ni lolit sa kanyang post

Basahin dito ang buong rebelasyon ni Lolit: 

"Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, Salve. Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal."

" Katakot dahil baka itanong ngayon kay Ivana sino ba ang mabango at type niyang lalaki, masagot kaya niya ng buong katotohanan?"

" Sabihin na kaya niya kung sino ang talagang para sa kanya ang dapat lang hangaan dahil mabango at malinis ? Siguro hindi alam ni Perry Lansingan na manager ni Ivana Alawi ang sinabi nito dahil for sure hindi niya papayagan maging ganito ka harsh ang alaga."

" Sana nga walang magtanong kay Ivana Alawi kung sino ang pinaka mabango at malinis na lalaki para sa kanya, at pilitin siya sabihin kung sino ito. "

Sure kami na gustong gusto ng lalaki na pipiliin niya na isulat na siya ang choice ni Ivana. Sure ako na gusto ng nasabing lalaki na ipagmalaki na siya at tanging siya ang malinis at mabango para sa type ng bayan na si Ivana Alawi."

" Lucky guy, sino ka ba talaga ? Clue ? O remain secret forever ? O tignan natin, baka naman dahil gusto siya ipagmalaki ni Ivana sa kanyang milyong followers ibigay na niya ang pangalan. Lucky guy , please, introduce yourself , please? "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post