Ipinagtanggol na si Ivana Alawi ng kanyang manager na si Perry Lansigan ukol sa sinasabi ni Lolits Solis na ayaw raw ni Ivana kay Gerald Anderson at Derek Ramsay dahil dugyot raw ito at marumi.

Ayon kay Lolit, sinabi raw ni Perry na never nagsasabi ng masama komento si Ivana at hindi raw ito nanglo-lookdown ng tao.

"Sabi ko na hindi alam ng manager ni Ivana Alawi na si Perry ang headline at kumalat na balita na sinabi ng alaga na dugyot at marumi sila Derek Ramsay at Gerald Anderson, Salve. Nag react si Perry dahil hindi daw ganuon si Ivana, never gagamit ng ganuon salita, at never mag look down sa tao.

"Sana nga hindi tutoo dahil imagine mo ang magiging repercussion niyon , na para bang ang dumi at ang baho nila Derek at Gerald eh mga matinee idols ang dalawa. Kung minsan kasi, as managers hindi natin alam kung saan nanggagaling mga balita tungkol sa mga alaga natin, ayaw ko naman isipin na gawa gawa ng sumulat ang lumabas na balita at fake news ang inilabas ng diyaryo."

" Sana nga ay hindi tutoo dahil baka lumabas mga negative reactions eh sabi nga ni Perry at mga followers ni Ivana hindi ganuon ang ugali nito. Good na na point out ko at napansin ni Perry, now baka nalaman na nila why lumabas ang nasabing artikulo. At good na hindi narin nila matatanong kung ano ang type ni Ivana na para sa kanya malinis at mabango na lalaki. "

"Well Perry, alam mo na, pag sikat alaga lahat napapansin , kaya bigyan sila ng lecture, para huwag makagawa ng palpak. Happy Valentine Ivana, sino ang date sa araw ng mga puso ? Hah hah joke joke."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post