Tapat na inamin ng kapamilya star na si Nadine Lustre na gusto muna niyang mag-ampon sa ngayon kaysa magkaroon ng anak.

Ito ay kanyang sinabi kasunod sa tanong ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo kung ilan ang gustong magiging anak ng actress.

 Ayon kay Nadine, kung noon raw ay gusto niya ng dalawa sa tuwing may nagtatanong sa kanya peru ngayon ay nagbago na ito.

“Before, every time people would ask me that, I would say two. But now, I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at,” sabi ni Nadine sa vlog ni Teo 

Ayon sa actress gusto raw muna niya magkaroon ng ampon.

“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” sabi pa ng actress 

Peru kung sakalang mabuntis man ay itutuloy niya ito.

“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at— I would rather adopt,” pahayag ng aktres. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post