Kris Lawrence Naging Emosyonal sa Usaping Second Chance kay Katrina Halili

Di mapigilang maging emosyonal ng singer na si Kris Lawrence patungkol sa posibilidad ng second chance sa pagitan nila ng dating partner na si Katrina Halili.

$ads={1}

Sa panayam sa kanya ng ABSCBN sa programang Hot Takes,ay naging bukas si Kris patungkol sa relasyon nila ni Katrina at kanilang anak na si Katie. Ayon sa singer, malaking bagay para sa kanilang anak na makita nitong maayos, masaya, at nagtutulungan ang kanyang mga magulang. .. 

“I’m very, very grateful that we’re co-parenting a hundred percent and everything is so beautiful right now. Katie’s smile is so much better; it’s so genuine. It almost feels like she does not have autism. I believe it’s because the energy is all back and it’s all whole now,” sabi ni Kris

“Now she feels love from both parents. I’m there every single day. She sees that me and Kat are happy. The fact that me and Kat are happy, it trickles down to her and it makes her feel secured and loved. The magnitude is just phenomenal,” dagdag pa niya

Ramdam sa naging pahayag ni Kris na malaki ang ipinagbago ng kanilang relasyon ngayon kumpara noon. Hindi man niya direktang sinabi na nagkabalikan na sila ni Katrina, malinaw na mahalaga sa kanya ang pagkakataong muling maging bahagi ng buhay ng kanilang anak sa mas buo at mas maayos na paraan.

$ads={2}

Isa sa mas napansin ng publiko ay ang sinabi ni Kris tungkol sa second chance. Para sa kanya, kung sakaling bigyan siya ng panibagong pagkakataon, hindi niya ito sasayangin. Dahil dito, marami ang naantig at may ilang fans na muling umasa na baka may magandang patutunguhan ang muling pagiging close nila ni Katrina.

“If I am given a second chance, it’s something that I am not going to mess up. Something that I’m not going to mess up,” sabi ni Kris

Matatandaang naghiwalay sina Kris at Katrina noon, ngunit nanatili silang konektado dahil sa kanilang anak. Sa kabila ng mga pinagdaanan, pinili nilang unahin ang kapakanan ni Katie at ayusin ang kanilang samahan bilang co-parents.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form