Ralph De Leon, Nag-Viral Matapos I-Call Out si Sen. Bato dela Rosa


Nag-viral online ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ralph De Leon matapos ang kanyang naging pahayag laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isang episode ng YSpeak 2.0.

$ads={1}

Ibinahagi ng actor-model ang kanyang pananaw matapos ang diskusyong pinangunahan ni Ramon Magsaysay Awardee Fr. Flavie Villanueva, na nagkuwento tungkol sa mga karanasan at istoryang may kaugnayan sa Duterte administration.

Ayon kay Ralph, isa ito sa pinakamahirap na usapang kanyang sinalihan dahil sa bigat ng mga kuwentong kanyang narinig.

“Ito ‘yung pinakamahirap na episode para sa akin, not only sa debate. But again, listening to the stories na shine-share ni Fr. Flavie,” ani Ralph.

$ads={2}

Matapos nito, nagpahayag siya ng hangarin na makamit ang hustisya para sa lahat ng mga biktima at iginiit na dapat may pananagutan ang sinumang mapatunayang nagkasala, anuman ang kanilang katayuan o posisyon.

“Grabe, ang dream ko lang talaga, ang wish ko lang ay mabigyan ng hustisya ang lahat,” saad niya.

Dagdag pa ni Ralph, dapat managot sa batas ang sinumang sangkot sa anumang maling gawain.

“Managot lahat ng kriminal whether it’s Duterte sa ICC or si Bato na nagtatago,” aniya.

Nagbigay rin siya ng komento tungkol sa usapin ng pagiging inosente at pagharap sa mga legal na proseso.

“Na kung ikaw talaga ay inosente, kung sinasabi mong inosente ka, bakit ka pa tumatakbo? Bakit ka pa nagtatago? Binabalahura mo pa ‘yong Senado. So, please never again,” dagdag niya.

Mabilis na kumalat sa iba't ibang social media platforms ang mga video clip mula sa naturang talakayan. Marami sa netizens ang nagpahayag ng suporta kay Ralph dahil sa kanyang naging pahayag tungkol sa pananagutan at hustisya, habang ang iba naman ay nakisali sa diskusyon at debate kaugnay ng mga isyung kanyang binanggit.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form