Zanjoe Marudo, inamin ang mga pagbabagong naranasan mula nang maging ama

“Zanjoe Marudo fatherhood transformations interview Ogie Diaz”

Nag-open up ang actor na si Zanjoe Marudo tungkol sa mga pagbabagong naranasan niya simula nang maging ama at bumuo ng sarili niyang pamilya kasama si Ria Atayde.

$ads={1}

“Hindi mo napapansin, nagbabago ka.”

Sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube vlog nito, ikinuwento ni Zanjoe kung paano nag-iba ang kanyang pananaw sa buhay:

“Hindi mo napapansin nagbabago ka eh. Automatic eh… ‘Yung isa sa unang magbabago, ‘yung decision-making. Hindi na ‘yung yes ka lang ng yes sa lahat ng mga imbitasyon, sa lahat ng mga lakad… o pagbili ng gamit o paggastos sa mga luho.”

$ads={2} 

“Partnership na talaga.”

Aniya, mas naging collaborative na ang lahat ng kanyang desisyon ngayon:

“Kailangan ko ng kausapin ‘yung asawa ko si Ria sa bawat desisyon na gagawin ko. Hindi na siya ‘yung ako na lang tapos magugulat na lang sila biglang meron akong ginawa. Partnership na talaga yung sitwasyon ko ngayon.”

Lumalim ang sense of responsibility

Ibinahagi rin ni Zanjoe na lalong lumalim ang kanyang pananagutan bilang ama lalo na’t narito na ang kanilang anak na si Sabino:

“Lumalim ‘yung sense of responsibility dahil siyempre nandiyan na si Sabino, may pamilya na akong sarili.”

Mas marami pang pagbabago sa hinaharap

Naniniwala si Zanjoe na mas marami pa siyang pagdadaanan at matututunan bilang asawa at ama:

“Tingin ko marami pang magbabago, mas magma-mature pa, mas marami pang pagdadaanan.”

Matatandaang noong September 2024 lamang nang isinilang nila Ria ang kanilang panganay na si Sabino.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form