Nagbigay-linaw si Matet de Leon matapos mag-viral ang video kung saan napaiyak siya habang nagla-live selling. Sa kanyang TikTok post, ipinahayag ng aktres na hindi siya umiiyak dahil nahihiya siya sa pagiging online seller, kundi dahil sa isang taong “walang puso’t napakawalanghiya.”
$ads={1}
“Proud akong maging live seller.”
Ani Matet, proud siya sa kanyang ginagawa lalo na’t pinaniniwalaan niya ang mga produktong ibinibenta niya.
“Kahit may pinagdadaanan ka, haharap ka pa rin kasi mahalaga ang trabaho mo, mahalaga ang mga taong naniniwala sa ‘yo,” dagdag niya sa video.
$ads={2}
Mga Komento na Nakasakit sa Kanya
Sa kanyang live, sunod-sunod ang natanggap niyang mapanakit na komento:
-
“Wala na kayo project?”
-
“Suplada ‘to, kaya iniwan ni Ate Guy.”
Ang huling komento ay malinaw na tumutukoy sa relasyon niya sa kanyang inang si Nora Aunor, na matagal nang isyu sa showbiz.
Netizens to the Rescue
Sa kabila nito, bumuhos ang suporta sa kanya online:
“Nakaka-proud ka Matet, walang arte sa katawan, tunay na madiskarte.”
“Grabe ang iba, wala nang awa. Kahit artista, tao rin na nasasaktan.”
Marami rin ang nagsabing mas nirerespeto nila si Matet dahil sa kanyang sipag, tapang, at pagiging totoong tao, sa kabila ng mga bashers.
@misismatet Ok? Ok.
♬ original sound - misismatet