Diana Mackey at Kiefer Ravena, nalungkot sa miscarriage ng kanilang first baby

“Diana Mackey miscarriage Kiefer Ravena Boy Abunda interview”

Malungkot na ibinahagi ng celebrity couple na sina Diana Mackey at Kiefer Ravena na nawalan sila ng kanilang unang anak dahil sa miscarriage.

$ads={1}

“We lost the baby at seven weeks.”

Sa panayam nila kay Boy Abunda ngayong linggo, inamin ng mag-asawa na isang linggo o dalawang linggo matapos nilang ianunsyo ang pagbubuntis, nalaglag ang kanilang baby.

“Shortly after announcing it, I think a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks,” kwento ni Diana.

Dagdag naman ni Kiefer, labis silang nalungkot ngunit nagpapasalamat pa rin siya dahil ligtas at malusog ngayon ang kanyang asawa:

$ads={2}

“Seven or eight weeks but, you know, God’s plan, God’s timing… best thing siguro that happened is now she's healthy. Hopefully, with God's grace, we could try again and see where it takes us.”

Bagong kasal

Matatandaang ikinasal lamang sila noong nakaraang buwan sa isang intimate wedding sa St. Michael the Archangel Parish, BGC, Taguig City, na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Looking forward to trying again

Sa kabila ng kanilang pinagdaanan, nanatiling matatag ang dalawa at patuloy na nagdarasal na mabigyan sila muli ng pagkakataon na bumuo ng pamilya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form