Vice Ganda, takot pa rin maghirap kahit successful na sa buhay

“Vice Ganda mindset takot maghirap KC After Hours interview”

Bumuhos ang suporta kay Vice Ganda matapos nitong ibahagi ang kanyang pananaw sa pera at kung bakit kahit sikat at matagumpay na siya, hindi pa rin nawawala ang kanyang takot na muling maghirap.

$ads={1}

“Hindi nawawala 'yung fear ko to becoming poor again.”

Sa panayam niya kay Karmina Constantino sa KC After Hours, sinabi ni Vice na simple lang ang prinsipyo niya pagdating sa pera:

“Ever since napaka-simple lang ng pananaw ko sa pananalapi. Never live beyond your means.”

Ibinahagi rin niya na kahit gaano kalaki ang kinikita niya, sinisiguro niyang may natitira siyang ipon:

“Hindi ako papayag na wala akong mase-save sa sweldo ko every day.”

$ads={2} 

Laging nag-iipon at naghahanap ng extra income

Kwento pa ni Vice, tuwing may bibilhin siyang malaki, sinisigurado niyang mababawi niya ito sa pamamagitan ng extra raket:

“Kunwari may gagastusin ako sa weekend, naka-compute na sa utak ko 'yun, mababawi ko 'to. Tatawagin ko handler ko, 'Hanap mo ako ng raket, kailangan mabalik 'to.'”

Takot muling maghirap

Sa kabila ng tagumpay, aminado siyang natatakot pa rin siya:

“Sobra akong takot na maghirap ulit hanggang ngayon.”

Ipinaliwanag niya na hindi natin hawak ang buhay, lalo na kung sakaling magkasakit o magkaroon ng problema sa ekonomiya:

“Hindi natin alam galawan ng ekonomiya. 'Yung value ng pera ngayon, ganun pa rin ba next year? And pag chinallenge ka ng tadhana, hindi mo alam kung gaano karaming pera ang ilalabas mo para makalampas ka.”

Dahil dito, patuloy niyang pinalalakas ang kanyang work ethic:

“Kaya I always work hard, I always save, I always make sure kikita ako.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form