Game na game na sinagot ni Elizabeth Oropesa o mas kilala bilang La Oro, ang kontrobersyal na tanong nina Stanley Chi at Janno Gibbs sa latest episode ng “The Men’s Room.”
$ads={1}
“Sino ang one night stand, pakakasalan, at boyfriend?”
Pinapili si La Oro kung sino kina Derek Ramsay, Piolo Pascual, at Dingdong Dantes ang gusto niyang maka-one night stand, pakasalan, at gawing boyfriend.
Hindi naman daw ito bago sa kanya dahil noon, halos lahat ng nakatrabaho niyang artista ay nanligaw sa kanya – maliban kay Fernando Poe Jr. (Da King).
$ads={2}
“Si Kuya Ronnie, ang tawag sa akin ay ‘boy.’ Very masculine daw ang dating ko. Ako lang ang hindi pinagselosan ni Ate Swanie [Susan Roces].”
Ngunit aminado siyang si FPJ ang “pinakamasarap tumuka” sa lahat ng kanyang nakahalikan noon.
Pakakasalan si Piolo, one night stand si Derek
Nang tinanong kung sino ang kanyang papakasalan, sagot niya:
“Si Piolo. Si Dingdong parang anak ko ‘yan. Hindi ko ma-imagine na maging boyfriend ko. Si Piolo papakasalan ko kasi tahimik. Saka masculine ako, kailangan ko ‘yung medyo mahinhin nang konti.”
At pagdating naman sa pang-one night stand?
“Siyempre si Derek. Kahit pa two times eh! ‘Yan talaga regret ko, kasi I should have had more s3x when I was younger. Kulang eh.”