$ads={1}
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsahang sinagot ni Bianca De Vera ang mga nagsasabing toxic daw ang relasyon nila ni Dustin Yu sa loob ng PBB house.
“Hindi po siya toxic…”
Tinanong siya ni Tito Boy, “Toxic daw ‘yung relasyon?”
$ads={2}
Sagot ni Bianca, “I wouldn’t say it was toxic. I believe that we were two people who had real feelings inside the house. Yes, we had our shortcomings — hindi po kami perfect. But then nag-grow po kami. Kami po kasi, alam namin ang totoo sa hindi.”
Matatandaan na naging malapit ang dalawa sa loob ng bahay ni Kuya at nabuo ang kanilang kilig duo na sinubaybayan ng maraming netizens. Sa kabila nito, hindi maiwasang makatanggap sila ng batikos mula sa ibang viewers.