Dustin Yu aminadong nagselos kay Will Ashley noon

“Dustin Yu nagselos noon kay Will Ashley dahil kay Bianca De Vera”

Inamin ni Dustin Yu na nakaramdam siya ng selos kay Will Ashley noon dahil sa hindi malinaw na relasyon nito sa kanyang ka-duo na si Bianca De Vera.

$ads={1}

Sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsahan siyang tinanong kung nagselos ba siya kay Will.

“Oo, nagselos ako…”

“Nung hindi pa sa'kin clear kung ano man 'yung meron sila sa past… medyo magulo pa, of course, yeah, nagselos ako, naguguluhan ako Tito Boy,” ani Dustin.

Ngunit nilinaw ng ex-PBB housemate na matapos nilang mag-usap ni Will at Bianca, nawala rin ang kanyang selos.

$ads={2}

“Nung nag-usap na kami ni Will, at nag-usap na rin kami ni Bianca na wala naman ako dapat pagselosan… hindi ko na 'yun pinairal, naintindihan ko na 'yun,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa loob ng Bahay ni Kuya, narinig ni Dustin ang pag-uusap nina Will at Bianca kung saan nag-agree silang maging duo partner sakaling makabalik si Bianca matapos ang eviction night. Bagamat naguluhan siya noon, sa huli ay pinagkatiwalaan niya si Bianca at kinausap si Will para bantayan ito sakaling siya ay ma-evict.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form