Fresh pa rin ang kilig vibes nina Bianca De Vera at Dustin Yu kahit na lumabas na sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ngunit ayon kay Bianca, balik sa simula ang kanilang phase ngayon.
“Getting to know each other ulit…”
“The connection is still there pero it's like bumalik lang talaga kami sa day one. It's like we're really getting to know each other again. So it's a it's a very refreshing feeling. Ang sarap sa feeling na makilala siya ulit,” sabi ni Bianca.
$ads={2}
Kahit malapit na sila sa isa’t isa sa loob ng bahay ni Kuya, mas pinipili ngayon nina Bianca at Dustin na palalimin muna ang kanilang pagkakaibigan sa outside world.
“We're there for each other. I mean yung laban naman hindi naman siya nagtatapos sa loob ng bahay. Syempre we have a lot to face outside. I mean we can't deny the fact rin naman na we can't please everybody. And I feel like out of all the people inside the house, siya yung pinaka makakaintindi sa akin.”