Teddy Corpuz, pinakasalan ang asawa matapos ang 2 weeks nilang relasyon

“Teddy Corpuz Jasmin Corpuz kasal 2 weeks love story”

Ibinahagi ni Teddy Corpuz, Rocksteddy frontman at It’s Showtime host, ang kwento ng kanilang whirlwind romance ng asawa niyang si Jasmin Corpuz sa YouTube vlog ni Karen Davila.

$ads={1}

“Siya na agad ang gusto kong pakasalan”

Kwento ni Teddy, agad niyang naramdaman na si Jasmin na ang “the one” nang magkakilala sila.

“Nung na-meet ko ’yung wife ko, alam niyo ’yun parang kung sino ’yung ma-meet ko, gusto ko siya na ’yung papakasalan ko. Ayaw ko yung parang testing the waters.”

Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ng kanilang relasyon, sinabi ni Jasmin na aalis na siya papuntang US on a fiancé visa. Hindi ito naging hadlang kay Teddy at inamin niyang ginawa niya ang pinaka-bold na move sa buhay niya.

$ads={2}

“Sabi ko, ‘Kung mahal mo ako at hindi mo naman mahal yung papakasalan mo dun, sa akin ka sasama.’ Tapos sabi niya, ‘Sa’yo ako sasama.’”

Nagpakasal matapos ang dalawang linggo

Dahil sa takot na paghiwalayin sila, agad nag-propose si Teddy:

“One night sinabi ko, ‘Gusto mo magpakasal na tayo? Kasi feeling ko pag bumalik ka sa inyo, ilalayo ka lang ng parents mo sa akin. Para pagdating mo, kasal na tayo.’”

At doon nga, dalawang linggo pa lang silang magkasintahan nang magpakasal sila. Sampung araw matapos ang kasal, dinala nila ang marriage certificate sa pamilya ni Jasmin na una ay nag-alinlangan sa kanya, lalo na dahil isa siyang rock band vocalist noon.

Ngayon, higit 10 taon nang kasal

Ngayon, higit isang dekada na silang kasal at patuloy na nagpapatunay na “kung tunay ang pagmamahal, walang imposible sa mabilis na desisyon.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form