Viral ngayon sa social media ang video ni Paul Salas kung saan makikitang may babaeng “na-fall” literal matapos niyang kunin ang upuan nito sa isang barangay event.
$ads={1}
Ano ang nangyari?
Sa nasabing video, makikitang nakaupo ang babae habang nagpe-perform si Paul at nag-selfie pa ito habang nakayakap sa aktor. Ngunit nang lumayo na si Paul at lumapit sa ibang tao, hindi niya namalayang bitbit niya ang monobloc chair na sakto namang uupuan sana ng babae.
Makikita ring sumemplang ang babae matapos mawala ang upuan, pero agad namang tinulungan ito ng mga tao sa paligid. Tuloy-tuloy naman si Paul sa pagkanta at mukhang hindi niya napansin ang nangyari.
$ads={2}
Sa ngayon, walang official update kung nasaktan ba ang babae o kung nilapitan siya ni Paul matapos ang insidente.
Narito ang video: